Isinagawa nitong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw sa Tian'anmen Square, downtown Beijing ang unang insayo para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC), na idaraos sa unang araw ng darating na Oktubre.
Ayon sa media center para sa selebrasyong ito, lumahok sa naturang insayo ang halos 90 libong tao. Isinagawa ang pagsasanay para sa 6 na bahagi ng selebrasyon, na kinabibilangan ng pormal na seremonya, paradang militar, pagtatanghal na pansining, control system ng fireworks show, at iba pa.
Salin: Liu Kai