Punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York—Dumalo Lunes, Setyembre 23, 2019 sa Climate Action Summit ng UN si Wang Yi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Saad ni Wang, ipinapatupad ng Tsina ang bagong ideolohiyang pangkaunlaran, at determinado itong tumahak sa landas ng berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad. Isinalaysay ni Wang na noong 2018, bumaba ng 45.8% kumpara noong 2005 ang pagbuga ng carbon dioxide per GDP unit, at ito ay katumbas ng pagbabawas ng 5.26 bilyong toneladang pagbuga ng carbon dioxide. Samantala, umabot sa 14.3% ang proporsyon ng non-fossil energy sa primary energy consumption. Noong 2018, 1.25 milyon ang bilang ng mga bagong karagdagag new energy vehicle sa Tsina, na nangunguna sa buong mundo. Aktibong pinapasulong din ng Tsina ang konstruksyon ng pamilihan ng kalakalan ng emisyon ng karbon, dagdag niya.
Diin ni Wang, mataimtim na ipapatupad ng Tsina ang mga obligasyon ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Paris Agreement, igigiit ang mga simulaing gaya ng komong responsibilidad na may pagkakaiba, at isasakatuparan ang target ng sarilinang ambag na isinumite sa sekretaryat ng UNFCCC, ayon sa nakatakdang iskedyul.
Salin: Vera