Lunes, Setyembre 23, 2019, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglagda ng Geneva Conventions sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York.
Ani Wang, bilang isa sa unang pangkat ng mga bansang sumapi sa Geneva Conventions at additional protocol nito, palagiang aktibong isinabalikat ng Tsina ang mga pandaigdigang makataong responsibilidad, at sunud-sunod na tinulungan ang mahigit 100 bansa na makahulagpos sa makataong krisis.
Diin niya, dapat igiit ng mga makataong aksyon ang simulaing maging walang-pinapanigan, makatarungan at may kasarinlan, at iwasan ang politikalisasyon ng makataong isyu at militarisasyon ng makataong saklolo. Dapat aniyang ibayo pang patingkarin ng UN ang papel ng pagpapasigla at pagkokoordina sa aspekto ng pandaigdigang makataong saklolo.
Salin: Vera