Inilabas Lunes, Setyembre 23, 2019 ni Vladimir Norov, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) ang pahayag kung saan ipinagdiinan ang komong paninindigan ng mga kasaping bansa ng SCO sa pagtutol sa pakikialam ng mga dayuhang puwersa sa mga suliranin ng Hong Kong ng Tsina.
Anang pahayag, buong tatag na kumakatig ang SCO sa pangangalaga sa autorisadong katayuan ng pandaigdigang batas, at nananangan sa pagsunod sa Karta ng UN, lalong lalo na, simulain ng di-pakikialam sa mga suliraning panloob, paggagalangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, at paggarantiya sa interes ng iba't ibang bansa.
Para rito, nanawagan ang SCO sa mga dayuhang puwersa na itakwil ang anumang aksyong posibleng humantong sa paglala ng kalagayan ng Espesyal na Rehiyong Adminsitratibo ng Hong Kong (HKSAR), at itigil ang paglalagay ng hadlang sa pagpapanumbalik ng kaayusan at katatagan ng Hong Kong.
Salin: Vera