Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-22 ng Setyembre 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na kinakaharap ng lipunan ng Hong Kong ang napakalaking hamon, at grabeng nakakaapekto ang tuluy-tuloy na karahasan sa trabaho at pamumuhay ng mga manggagawa. Buong lakas aniyang bibigyang-wakas ng pamahalaan ang karahasan at kaguluhan, pananatilihin ang kaayusan ng lipunan, at igagarantiya ang pagkakataon ng hanapbuhay ng mga manggagawa.
Winika ito ni Lam sa bangketeng idinaos ng Hong Kong Federation of Trade Unions bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina. Sinabi rin niyang kung magbubuklod ang mga taga-Hong Kong, ang rehiyong ito ay magkakaroon ng mas magandang kinabukasan, sa ilalim ng pagkatig ng sentral na pamahalaan.
Salin: Liu Kai