|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Sabado, Agosto 31, 2019 ng tagapagsalita ng grupong diplomatiko ng Tsina sa Unyong Europeo (EU) na nitong ilang araw na nakalipas, maraming beses at malinaw na tinukoy ng panig Tsino, na ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pinahihintulutan ang panghihimasok ng mga dayuhang puwersa sa usaping ito. Samantala, sa kabila ng matinding pagtutol ng panig Tsino, paulit-ulit na ipinalabas ng panig Europeo ang di-responsableng pananalita kung saan bastos itong nanghimasok sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina. Ito aniya ay lumalabag sa pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon, at nakakasira sa mainam na kalagayan ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
Ipinahayag kamakailan ni Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan na Namamahala sa Diplomasya at Patakarang Panseguridad ng EU, ang pag-asang igagalang ng awtoridad ng Hong Kong ang karapatan ng malayang pagrarali at mapayapang demonstrasyon.
Kaugnay nito, sinabi ng naturang tagapagsalita na ang pananalita ng panig Europeo ay nakakapagpalala sa situwasyon at nakakasira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong sa halip na nakakatulong sa pagpapahupa ng kasalukuyang situwasyon. Ito aniya ay direktang nakakaapekto sa kapakanan ng EU at mga mamamayan nito. Muling pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Europeo na agarang iwasto ang kamalian nito, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |