|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina sa Oktibre 1, ipinahayag ni Rizal Giovanni P. Aportadera, Director General ng Philippine Broadcasting Service ang mainit na pagbati sa sambayanang Tsino at sa mga tagapakinig ng Wow China.
Sa nakasulat na mensaheng ipinadala sa China Media Group Filipino Service nitong Setyembre 24, 2019, sinabi ni Aportadera nakamamangha ang kasalukuyang panahon, napakaraming pag-unlad at inobasyon na nagaganap kasabay nang pagyabong ng kultura at dibersidad kapwa sa Tsina at Pilipinas. Umaasa siyang patuloy na magiging maunlad ang Tsina at ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina ay sisigla at magiging mabunga sa darating na mga taon.
Ang Wow China ay magkasamang produksyon ng PBS Radyo Pilipinas at China Media Group. Mapapakinggan ito tuwing Sabado at Linggo 2:00pm hanggang 3:00pm sa Radyo Pilipinas1 738AM.
Ulat: Mac Ramos
Web editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |