|
||||||||
|
||
Si Kalihim Carlos Dominguez III ng Kagawaran ng Pinansya ng Pilipinas
Sa kanyang panayam sa China Media Group ipinahayag ni Kalihim Carlos Dominguez III ng Kagawaran ng Pinansya ng Pilipinas ang paghanga sa kasalukuyang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina. Opitimistiko aniya siya sa kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Dominguez na malaki ang pagkokomplimento ng "Build Build Build" ng Pilipinas at "Belt and Road" Initiative ng Tsina.
Aniya pa, malaki ang pakinabang ng Pilipinas sa maritime silk road ng Tsina.
Diin pa ni Dominguez, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas ang malaking tulong sa mga mahalagang proyektong gaya ng mga dam, tulay at tren.
Ipinalalagay niyang ang "Belt and Road" Initiative ng Tsina ay nakakabuti sa mga bansang naggigiit ng patakaran ng pagbubukas sa daigdig.
Ang taong 2019 ay 70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China.
Hinggil dito, ipinalalagay ni Dominguez na ang Tsina ay malaking pamilihan para sa buong daigdig at ang paglaki ng kita ng mga mamamayang Tsino ay magdudulot ng kapakanan sa ibang mga lugar ng daigdig.
Bukod dito, ipinalalagay niyang ang natamong bunga ng pamahalaang Tsino sa pagbabawas ng kahirapan ay isang kapansin-pansing bunga sapul nang itatag ang PRC noong nakaraang 70 taon.
Sinabi niyang ang bungang ito ay walang katulad na bunga sa kasaysayan ng buong daigdig.
Anang kalihim, sa taong 2019, dalawang beses na bumisita sa Tsina si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, at dahil dito, malaking pag-unlad ang nagaganap sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Sinabi niyang ang kasalukuyang relasyon ng dalawang bansa ay nagpapalalim ng pagkaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang maitatatag pa ang mas mahigpit na relasyon sa pagitan ng Pilipinas Tsina, hindi lamang sa pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang pangulo, kundi sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan.
Sa taong 2019, natamo ng Pilipinas at Tsina ang makukulay na bunga sa pinansiya.
Una, noong Mayo, isinapubliko ng Pilipinas ang ikalawang round ng panda bonds na nagkakahalaga ng 2.5 bilyong yuan RMB.
Ang panda bonds ay Chinese renminbi-denominated bond na mula sa non-Chinese issuer.
Ikalawa, lumaki ang bolyum ng direktang palitan ng RMB at Piso.
Sinabi ni Dominguez, ang direktang palitan ng Piso at RMB ay nakakatulong sa pag-iwas sa mga panganib ng negosyo at pagbabawas ng gastusin.
Optimistiko si Kalihim Dominguez sa kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Umaasa siyang darami pa ang mga bahay-kalakal ng Tsina na mamumuhunan sa Pilipinas.
Ito aniya ay magdaragdag ng hanap-buhay para sa mga Pilipino.
Suportado niya ang pag-unlad ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |