|
||||||||
|
||
Sa kanyang keynote speech Martes, Setyembre 24 (local time), 2019 sa bangketeng magkakasanib na inihandog ng National Committee on United States-China Relations (NCUSCR), US-China Business Council (USCBC), U.S. Chamber of Commerce, at Council on Foreign Relations (CFR), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, dapat lutasin ang trade friction ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Sinabi ni Wang na laging bukas ang pinto ng Tsina sa pagkakaroon ng talastasan. Aniya, dapat maging pundasyon ng talastasang ito ang paggagalangan sa isa't-isa, pagkakapantay-pantay, at win-win result, at dapat ding maging paunang kondisyon ang pagkakatugma ng mga pananalita at kilos.
Ani Wang, kapwa matalinong higanteng bansa ang Tsina at Amerika. Nananalig aniya siyang kung igigiit ng kapwa panig ang pagkakaroon ng pantay na diyalogo at kooperasyon, tiyak na matatagpuan ang makatwirang kalutasan sa alitan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |