Lubos na alam ng panig Tsino na walang mananalo sa trade war. Upang gantihan ang pagpataw ng panig Amerikano ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino alinsunod sa Section 301 measures at bawasan hangga't makakaya ang negatibong epekto sa mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina, isinapubliko Miyerkules, Setyembre 11, 2019 ng Customs Tariff Commission of the State Council ng Tsina ang listahan ng mga produktong Amerikano na di-papatawan ng karagdagang taripa. Ito ay nagpapakita ng buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagpapalala ng trade war, at nagiging matatag na reaksyon sa hegemonyang pangkalakalan ng Amerika. Bukod dito, ang pagsasapubliko ng nasabing listahan ay lubos na nagpapakita ng komprehensibong konsiderasyon ng panig Tsino sa harap ng digmaang pangkalakalan.
Ayon sa napagkasunduan ng Tsina at Amerika, sa unang dako ng darating na Oktubre, idinaos sa Washington D.C. ng dalawang panig ang ika-13 round ng high-level trade talks. Magkasama silang magpupunyagi para matamo ang substansiyal na progreso sa isyung ito, at ito ay nagiging komong mithiin ng iba't-ibang panig na kinabibilangan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Amerikano. Kahit anong makukuhang resulta, tulad ng dati, gagawin ng mabuti ng panig Tsino ang sariling misyon, at isasagawa ang mga polisiya para mabawasan ang mga negatibong epektong dulot ng trade friction sa mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina, at matimpi at rasyonal na harapin ang lahat ng darating na hamon.
Salin: Lito