|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Robert Strayer, US State Department ambassador for cyber and international communications, na sa panahon ng kanyang biyahe sa Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), at Bahrain, muli nilang pinag-usapan ang isyu tungkol sa Huawei 5G cyber security. Ipinahayag niya na kung nais maigarantiya ng Amerika ang cyber framework security, dapat alisin ang Huawei sa pagtakbo ng 5G network. Ayon pa sa ulat, sa liham na ipinadala noong Setyembre 11 ng American Semiconductor Industry Association (SIA) kay Kalihim ng Komersyo Wilbur L. Ross ng Amerika, umaasa silang agarang maaaprubahan ng naturang kagarawan ang pagbebenta ng kanilang produkto sa Huawei Company.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Setyembre 16, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang artipisyal na paglikha ng umano'y "Huawei 5G security problems," at buong tindi rin nitong tinututulan ang pagmamalabis sa katwirang umano'y "national security" para mabigyang-limitasyon ang kompanyang Tsino sa pagkakaroon ng pag-unlad at kooperasyon sa karaniwang information at telecommunication technology.
Sinabi ni Hua na nitong ilang araw na nakalipas, hindi lamang inaabuso ng Amerika ang kanyang puwersang pang-estado para mapigilan ang kompanyang Tsino, kundi pinupukaw rin nito ang iba't-ibang sulok ng daigdig para siraang-puri at atakehin ang kompanyang Tsino. Ngunit, ani Hua, hanggang sa kasalukuyan, walang anumang ebidensya na ipinapakita ang panig Amerikano, at walang anumang bansa, organisasyon, at indibiduwal ang nagpatunay ng panganib ng Huawei sa kanila sa pamamagitan ng ebidensya. Ito ay talagang nakahihiya at walang moralidad, dagdag pa ni Hua.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |