Sa kanyang keynote speech Martes, Setyembre 24 (local time), 2019 sa bangketeng magkakasanib na inihandog ng National Committee on United States-China Relations (NCUSCR), US-China Business Council (USCBC), U.S. Chamber of Commerce, at Council on Foreign Relations (CFR), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na para maging matatag ang relasyong Sino-Amerikano, kailangang igalang ng dalawang bansa ang teritoryo at soberanya, sistemang panlipunan, at landas ng pag-unlad ng isa't-isa. Dagdag ni Wang, hindi dapat ipilit ang sariling kagustuhan at modelo sa iba.
Sinabi ni Wang na hindi nanghihimasok kailaman ang Tsina sa mga suliraning panloob ng Amerika. Nananalig aniya siyang maaaring maayos na resolbahin ng mga mamamayang Amerikano ang kanilang sariling isyu.
Salin: Lito