Sinimulang ilabas ngayong araw, Huwebes, ika-26 ng Setyembre 2019, ng mga TV channel, lokal at internasyonal na serbisyo ng radyo, at website ng China Media Group (CMG), ang mga bagong programa, batay sa mas mataas na pamantayan ng 5G telecommunication technology, 4K high resolution, at artificial intelligence (AI), para mas mabuting tugunan ang mga pangangailangan ng mga tagasubaybay sa loob at labas ng bansa.
Matatandaang noong ika-26 ng Setyembre 2018, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng China Central Television, na kasalukuyang isang bahagi ng CMG. Sa mensahe, hiniling niya sa CMG na gawin ang mga media program na may mas mataas na kalidad.
Salin: Liu Kai