Binuksan kahapon, Lunes, ika-9 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang 3-araw na 2019 Belt and Road Media Community Summit Forum.
Dumalo sa porum sina Wang Xiaohui, Pirmihang Pangalawang Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina; Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group; at mga namamahalang tauhan ng 92 media mula sa 43 bansa at rehiyon ng daigdig.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga media, sa ilalim ng pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road, na kinabibilangan ng pagtutulungan sa pagpapalalim ng inobatibong pag-unlad ng media. Sinang-ayunan din ng iba't ibang panig, na ipagpatuloy ang malawak at pragmatikong mga kooperasyong isinasagawa nitong 3 taong nakalipas sapul nang itatag ang Belt and Road Media Community.
Salin: Liu Kai