I-rerelay sa 70 sinehan sa iba't ibang lugar ng Tsina ang live broadcast na isasagawa ng China Media Group (CMG), para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC), na idaraos sa darating na Oktubre 1, sa Tian'anmen Square, Beijing.
Ito ang ipinatalastas ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, sa seremonya ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Setyembre 2019, sa Beijing.
Ayon sa salaysay, isasagawa ng CMG ang live broadcast ng naturang selebrasyon sa pamamagitan ng 4K high resolution. At sa pamamagitan ng satellite, ihahatid sa mga sinehan ang signal ng live broadcast, para manood ang mga mamamayan ng naturang selebrasyon sa malaking screen.
Salin: Liu Kai