|
||||||||
|
||
Walang humpay na pinalalakas ng Tsina ang pangangalaga sa sistema ng likas na ekolohiya at kapaligiran, at isinasagawa ang komprehensibong pangangasiwa sa soil erosion at desertification. Sapul noong 2000, halos 1/4 ng mga karagdagang luntiang lupain sa buong mundo, ay mula sa artipisyal na trabaho ng Tsina sa kagubatan. Umabot din sa 2,750 ang bilang ng mga natural reserve zone ng Tsina. Bukod dito, matatag na sumusulong ang lebel ng pangangasiwa sa polusyon sa hangin, tubig, at lupain, at malinaw na bumaba ang pagbuga ng iba't-ibang uri ng kontaminadong bagay.
Noong unang panahon, hinanap ng Tsina ang pag-unlad ngunit napabayaan ang kapaligiran at naaksaya ang mga yaman. Pero, kasunod ng pagsulong ng lipunan, binibigyan ng mas malaking pansin ng mga mamamayang Tsino ang pangangalaga sa kapaligiran. Sa isang pangungusap na "lucid waters and lush mountains are invaluable assets" na inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, natiyak ang ideya ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa. Pagkatapos nito, pinag-ibayo ng Tsina ang pangangalaga sa kapaligiran para tahakin ang landas ng de-kalidad na pag-unlad sa ilalim ng patnubay ng prinsipyong "pagpapauna ng ekolohiya at luntiang pag-unlad."
Ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ay hindi lamang nakakabuti sa sariling bansa, kundi nakakapagbigay rin ng positibong impluwensiya sa pagpapabuti ng klima at kapaligiran ng buong daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |