Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina—Ginanap Miyerkules, Hunyo 5, 2019 ang aktibidad bilang pagdiriwang sa World Environment Day. Nagpadala ng liham na pambati sa nasabing aktibidad si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na iisa lang ang mundo, at ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad ay komong responsibilidad ng iba't ibang bansa. Aniya, kailangang magkakapit-bisig na magpunyagi ang mga bansa, para mapasulong ang berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad.
Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at inilakip sa pangkalahatang plano ng pag-unlad ng bansa ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na tumahak sa landas ng berdeng pag-unlad, komprehensibong ipatupad ang 2030 Agenda for Sustainable Development, at gumawa ng positibong ambag para sa pagtatatag ng magandang daigdig at community with a shared future for mankind.
Salin: Vera