|
||||||||
|
||
Hangzhou — Sa ginaganap na taunang pulong ng China Council for International Cooperation on Environment and Development, ipinahayag ni Li Ganjie, Ministro ng Kapaligirang Ekolohikal ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na makipagtulungan kasama ng iba pang bansa sa daigdig para magkakasamang harapin ang global environmental challenge. Dumalo sa nasabing pulong ang mahigit 500 eksperto at iskolar na Tsino at dayuhan.
Ipinahayag ni Li na noong isang taon, malalim na nakilahok ang Tsina sa pagsasaayos ng kapaligirang pandaigdig. Aniya, sa United Nations Katowice Climate Change Conference, napatingkad ng Tsina ang konstruktibong papel na nakapagpasulong sa pagkakaroon ng komprehensibo, balanse, at mabisang bunga sa pulong. Bukod dito, sa sub-forum ng Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, pinasimulan aniya ng Tsina ang big data service platform ng "Belt and Road" tungkol sa luntiang pag-unlad at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal. Layon nitong pasulungin ang pagtatatag ng berdeng "Belt and Road," at magkakasamang isakatuparan ang United Nations (UN) 2030 Agenda for Sustainable Development.
Dagdag pa niya, sa bagong taon, magsisikap ang Tsina kasama ng mga iba pang bansa upang magkakasamang harapin ang mga hamon sa kapaligiran.
Ipinahayag naman ni Erik Solheim, Mataas na Tagapayo ng World Resources Institute, na nitong ilang taong nakalipas, ang modelo ng pag-unlad ng Tsina ay sumusulong patungo sa de-kalidad na pag-unlad. Aniya, sa larangan ng pangangalaga sa kapaligiran, may napakaraming mabuting karanasan ang Tsina. Umaasa siyang sa pamamagitan ng berdeng plataporma ng "Belt and Road," ibabahagi ang mga mabuting karanasan sa buong daigdig, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |