Sa pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at Ministri ng Komersyo at Industriya ng Indya, idinaos kahapon, Huwebes, ika-10 ng Oktubre 2019, sa New Delhi, Indya, ang seremonya ng paglalagda sa mga kasunduang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sa seremonya, nilagdaan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Indya ang 128 kasunduang nagkakahalaga ng mahigit 3 bilyong Dolyares. Sumasaklaw ang mga ito sa mga produkto ng mina, produktong kemikal, produktong agrikultural, produktong medikal, at iba pa.
Pagkaraan ng seremonya, nag-usap naman ang mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, para tingnan ang mga pagkakataon ng ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyong pangkalakalan.
Salin: Liu Kai