Nakipagtagpo Huwebes, Hunyo 13, 2019 sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Narendra Modi ng India.
Tinukoy ni Xi na bilang tanging dalawang bagong-sibol na ekonomiya sa daigdig na may lampas sa 1 bilyong populasyon, kapuwa nasa mahalagang yugto ng mabilis na pag-unlad ang Tsina at India. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Indian, na tuluy-tuloy na pasulungin ang mas mahigpit na development partnership. Diin ni Xi, dapat igiit ng kapuwa panig ang pundamental na pagpapasya na ang Tsina at India ay kapuwa nag-aalok ng pagkakataong pangkaunlaran sa isa't isa, sa halip na banta; dapat walang humpay na palawakin ang tsanel ng kooperasyon; dapat palakasin ang pagtitiwalaan; dapat magkasamang pangalagaan ang malayang kalakalan at multilateralismo, at pangalagaan din ang lehitimong karapatang pangkaunlaran ng umuunlad na bansa.
Nagpahayag naman si Modi ng kahandaan ng panig Indian na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino sa mataas na antas, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, pasulungin ang bilateral na relasyon sa malawakang larangan, at maayos na hawakan ang mga alitan ng dalawang bansa.
Salin: Vera