Nagpadala ng mensahe kahapon, Huwebes, ika-23 ng Mayo 2019, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Narendra Modi ng Indya, bilang pagbati sa pagwawagi ng kanyang Bharatiya Janata Party sa halalan ng mababang kapulungan ng bansang ito.
Tinukoy ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, nagkakaroon ang relasyon ng Tsina at Indya ng tunguhin ng malakas na pag-unlad. Nakahanda aniya siya, kasama ni Modi, na igiit ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang pragmatikong kooperasyon, at walang humpay na pataasin ang mas mahigpit na partnership ng pag-unlad ng Tsina at Indya.
Salin: Liu Kai