|
||||||||
|
||
Kamakailan, kaugnay ng isyung dulot ng pananalita ni Daryl Morey, General Manager ng Houston Rockets tungkol sa Hong Kong, ipinahayag ng ilang opisyal, mambabatas, at mediang Amerikano na kasalukuyang ginagamit ng panig Tsino ang prospek ng pamilihan at paraang komersyal para manipulahin ang mga kompanyang Amerikano at pilitin silang itakwil ang kanilang point of view o pananaw. Kaya, dapat anilang gawin ng mga kompanyang Amerikano ang kanilang pagpili tungkol dito.
Bilang tugon, ipinahayag Huwebes, Oktubre 10, 2019 sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tulad ng dati, winiwelkam ng panig Tsino ang pamumuhunan at pagsasagawa ng negosyo ng mga dayuhang bahay-kalakal na kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano, sa Tsina. Aniya, hindi nagbabago ang polisiya ng Tsina sa paglilikha ng mainam na kapaligirang pangnegosyo para sa mga dayuhang bahay-kalakal sa bansa, at hindi rin nagbabago ang patakaran ng Tsina sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina.
Diin pa ni Geng, patuloy na igigiit ng Tsina ang pagbubukas, at aktibo nitong isasagawa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa komunidad ng daigdig sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa, pagkakapantay-pantay, at may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |