|
||||||||
|
||
Kaugnay ng mga tanong tungkol sa kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Amerika, ipinahayag nitong Martes, Mayo 14, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng mga dayuhang bahay-kalakal na kinabibilangan ng mga Amerikanong bahay-kalakal ang kanilang atityud tungkol sa kapaligirang pangnegosyo ng Tsina sa pamamagitan ng kanilang kilos. Aniya, winiwelkam ng Tsina ang pagdaragdag ng puhunan ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina. Patuloy aniyang magsisikap ang bansa para makalikha ng mas matatag, pantay, maliwanag, at maaasahang kapaligirang pampamumuhunan at pangnegosyo para sa mga dayuhang kompanya.
Ayon sa ulat, inihayag ng panig Amerikano na kung hindi magkakasundo ang Tsina at Amerika, mapipinsala nang malaki ang Tsina, dahil mapipilitang umalis ang mga bahay-kalakal sa Tsina papunta sa ibang bansa. Pinabulaanan ito ni Geng. Ani Geng, ayon sa "Ulat ng Kapaligirang Pangnegosyo sa Taong 2019" na inilabas ng World Bank (WB), tumaas nang malaki ang puwesto ng kapaligirang pangnegosyo ng Tsina.
Dagdag pa niya, sa seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, idineklara ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na isasagawa ang isang serye ng mahalagang hakbangin para mapasulong ang reporma at pagbubukas sa mas mataas na lebel.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |