Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Trade war ng Tsina at Amerika, hindi nakakabuti sa Tsina, Amerika, at buong daigdig — Liu He

(GMT+08:00) 2019-10-11 10:32:23       CRI

Washington D.C. — Magkakahiwalay na kinatagpo Miyerkules ng hapon, Oktubre 9 (local time), 2019, ni Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, sina Craig Allen, Puno ng US-China Business Council, Myron Brilliant, Pangalawang Puno ng US Chamber of Commerce, at Kristalina Georgieva, bagong halal na Presidente ng International Monetary Fund (IMF).

Sa kanyang pakikipagtagpo kina Allen at Brilliant, ipinahayag ni Liu na napakahalaga ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at mayroong itong malaking impluwensiya sa buong daigdig. Aniya, ang trade war ng Tsina at Amerika ay hindi nakakabuti, hindi lamang sa Tsina at Amerika, kundi sa buong mundo. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano para mapasulong ang pagtatamo ng positibong progreso ng talastasan, dagdag niya.

Ipinahayag naman ng panig Amerikano na walang sinumang nananalo sa trade war, at tutol ang sirkulong industriyal at komersyal sa tariff hike. Umaasa silang mahahanap ng dalawang panig ang mabuting kalutasan sa pagtigil ng trade war. Nakahanda ang sirkulong industriyal at komersyal ng Amerika na patingkarin nito ang positibong papel, dagdag pa nila.

Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Georgieva, ipinahayag ni Liu ang kahandaan ng panig Tsino na, sa pundasyon ng pagkakapantay at paggagalangan sa isa't-isa, magsikap kasama ng panig Amerikano para magkasundo ang dalawang panig sa ilang isyung kapwa nila binibigyang-pansin. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang komunidad ng daigdig upang mapangalagaan ang katatagan at kasaganaang pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Georgieva ang lubos na paghanga ng IMF sa determinasyon at katapatan ng panig Tsino sa paglutas sa isyu sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Nakahanda aniya ang IMF na patuloy na patingkarin ang karapat-dapat na papel sa aspekto ng pangangalaga sa sistemang multilateral at malayang kalakalan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>