|
||||||||
|
||
Sa katwirang "pagmamaltrato sa mga Muslim ethnic minorities sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, inilakip Martes, Oktubre 8, 2019 ng Bureau of Industry and Security (BIS) ng Amerika ang 28 organo at bahay-kalakal ng Tsina sa "Entity List."
Gaganapin bukas, Oktubre 10 ang bagong round ng Sino-American trade talks. Maliwanag na mayroong espesyal na hangarin ang panig Amerikano sa pagsasagawa ng nasabing kilos. Sapul noong Mayo 16 ng kasalukuyang taon, ito ang ika-4 na beses na pagsasagawa ng BIS ng katulad na aksyon sa mga organo o bahay-kalakal ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, umuunlad ang kabuhayan, maharmoniya ang mga nasyonalidad, at matatag ang lipunan ng Xinjiang. Nitong nagdaang tatlong taong singkad, walang naganap na anumang teroristikong insidente sa lugar. Lubos na sinusuportahan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ang isinasagawang polisiya at hakbangin ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang. Ngunit ipinikit ang mata ng Amerika sa katotohanang ito at pinipigil ang mga kaukulang organo at bahay-kalakal ng Tsina. Bukod dito, sa katuwirang "karapatang pantao," siniraang-puri ng Amerika ang patakaran ng Tsina sa Xinjiang. Ito ay walang galang na panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Nagpapatunay ang mga dating karanasan na walang anumang kuwenta ang "pagpapayukod sa iba sa pamamagitan ng dahas." Pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na bago idaos ang kanilang trade talks, huwag muling isagawa ang anumang pandaraya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |