Matapos isagawa ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang limitasyon sa pagluluwas ng 28 entities ng Tsina sa katwiran ng isyu ng Xinjiang, ipinatalastas din ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na isasagawa ang visa restriction sa mga opisyal ng partido at pamahalaang Tsino, at kanilang kamag-anakan na responsable sa umano'y "pagkakakulong" o "pagmamaltrato" sa mga Muslim ethnic minorities sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules, Oktubre 9, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng panig Amerikano ng anumang limitasyon sa mga entities at tauhang Tsino sa kahit anong katuwiran tungkol sa isyu ng Xinjiang.
Ani Geng, pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian nito, ipawalang-bisa ang kaukulang kapasiyahan, at itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina. Patuloy aniyang isasagawa ng panig Tsino ang malakas na hakbangin para mapangalagaan ang soberanya, seguridad, at kapakanan ng bansa..
Salin: Lito