Muling nagtagpo nitong Sabado, Oktubre 12, 2019 sa Chennai, India, sina Pangulong Xi Jinping at Punong Ministro Narendra Modi ng India. Ipinahayag ni Xi na dapat gawing pagkakataon ng kapuwa panig ang pagtatayo ng mekanismo ng diyalogong pangkabuhaya't pangkalakalan sa mataas na antas, palakasin ang sinerhiya ng estratehiya ng pag-unlad ng kabuhayan, at talakayin ang hinggil sa pagtatatag ng partnership ng industriya ng pagyari.
Nagpahayag naman si Modi ng pag-asang mapapalalim at mapapalawak ang pragmatikong kooperasyon sa panig Tsino. Winewelkam niya ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa mga industriya ng India.
Salin: Vera