Nagpadala ng mensahe si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Central Military Commission, sa Chinese Young Pioneers, bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang pambansang organisasyong pambata, ngayong araw, ika-13 ng Oktubre 2019.
Sinabi ni Xi, na dapat pahalagahan ng Chinese Young Pioneers ang paghubog ng mga bata, para lumaki sila bilang bagong henerasyong may kayang isabalikat ang mahalagang tungkulin ng pambansang pag-ahon.
Ang Chinese Young Pioneers ay itinatag at pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina. Sa kasalukuyan, mayroon itong halos 130 milyong miyembro sa buong bansa, na nasa edad mula 6 hanggang 14.
Salin: Liu Kai