Idinaos kaninang gabi, Lunes, ika-30 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Nagtalumpati sa resepsyon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunita ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar.
Sinabi ni Xi, na nitong 70 taong nakalipas, sa pamumuno ng CPC, tumatahak ang mga mamamayang Tsino sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, iginigiit ng bansa ang mapayapang pag-unlad, at naisakatuparan ang mga kapansin-pansing bunga ng pag-unlad.
Binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Tsino sa iba't ibang sektor ng lipunan at sa iba't ibang lugar ng daigdig. Ito aniya ay mahalagang garantiya, para pagtagumpayan ng Tsina ang mga panganib at hamon, at walang humpay na matamo ang mga bunga.
Ipinahayag niyang, buong lakas na itataguyod ng Tsina ang kapayapaan, kaunlaran, pagtutulungan, at win-win, at patuloy na isasagawa ang mga saligang patakaran ng mapayapang pag-unlad at pagbubukas sa labas. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, na itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran sa buong mundo.
Bilang panapos, sinabi rin ni Xi, na batay sa natamong tagumpay nitong 70 taong nakalipas, tiyak na matatamo ng mga mamamayang Tsino ang mga bagong bunga sa pagsasakatuparan ng Chinese Dream ng dakilang pagbangon ng nasyong Tsino.
Salin: Liu Kai