|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Setyembre 30 ay "Araw ng Martir" na nakatakda sa batas ng Tsina. Maringal na idinaos sa Tian'anmen Square, Beijing ang seremonya ng pagbibigay-galang sa mga pambansang bayani. Dumalo rito sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunita ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC; iba pang mga lider ng CPC at bansa; at halos 4,000 kinatawan ng iba't-ibang sirkulo ng Beijing para mabigyang-respeto ang mga pambansang bayani sa ngalan ng estado.
Monument to the People's Heroes sa Tian'anmen Square sa Beijing
Ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Ayon sa di-ganap na estadistika, halos 20 milyong martir ang nagsakripisyo para sa pagsasarili ng Nasyong Tsino, kalayaan ng mga mamamayan, kasaganaan at kalakasan ng bansa, at kaligayahan ng mga mamamayan.
Chairman Mao Memorial Hall
Bago idaos ang seremonya, pumunta sina Xi at iba pang mga lider ng CPC at bansa sa Chairman Mao Memorial Hall kung saan nayumukod sila ng tatlong beses sa pangunahing tagapagtatag at lider ng CPC, People's Liberation Army (PLA), at PRC para ipahayag ang kanilang malalim na alaala kay Mao Zedong at iba pang beteranong rebolusyonista ng bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |