Natapos na ng Tsina't Amerika sa Washington D.C. ang bagong round ng talastasan sa mataas na antas sa kabuhaya't kalakalan. Ang pinakamasusing bungang natamo ng dalawang panig ay ang patuloy na paghahanap nila ng mga kalutasan hinggil sa mga isyung pangkalakalan sa pamamagitan ng mga praktikal na pamamaraan. Nagbigay ito ng kompiyansa sa pamilihan.
Kapuwa ipinahayag ng Tsina't Amerika na nakamtan nila ang substansyal na progreso sa larangan ng agrikultura, pangangalaga sa kaparatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip, exchange rate, serbisyong pinansyal, pagpapalawak ng pagtutulungang pangkalakalan, paglilipat ng teknolohiya, paglutas sa mga alitan, at iba pa. Tinalakay rin ng dalawang panig ang hinggil sa mga talastasan sa susunod na yugto. Sumang-ayon silang patuloy na magsisikap para marating ang pinal na kasunduan.
Masasabing pagkaraan ng mahigit isang taong pagsubok at panaka-nakang talastasan, napuna ng magkabilang panig na ang pagpapauna ng interes ng mga mamimili at bahay-kalakal, pagsimula mula sa mga isyung may pinakamaliit na pagkakaiba, at yugtu-yugtong pagkakaroon ng komong palagay ay ang pinaka-epektibong kalutusan sa mga problema.
Ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Amerika ay maaaring ilarawan bilang "anchor" para sa katatagan ng panlahat na bilateral na ugnayan. Ang maayos na paghawak sa nasabing relasyon ay hindi lamang nakakabuti sa Tsina't Amerika, kundi sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig. Masasabing ipinapatupad ang naturang komong palagay ng Tsina't Amerika sa kanilang pinakahuling round ng talastasang pangkalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac