Bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) na natatapat ngayong araw, Oktubre 1, inilawan ng pula at dilaw, dalawang masuwerteng kulay sa kulturang Tsino, ang Empire State Building sa New York, Amerika.
Magkasamang lumahok sa seremonya ng pag-ilaw at bumigkas ng talumpati sina Huang Ping, Consul General ng Tsina sa New York at Anthony E. Malkin, Chairman at Chief Executive Officer ng Empire State Realty Trust, Inc..
Ipinahayag ni Malkin ang mainit na pagbati sa ika-70 anibersaryo ng PRC. Diin niya, ang pag-ilaw ng Empire State Building ay naglalayong ipakita ang pakikipagkaibigan sa mga Tsino.
Sinabi naman ni ConGen Huang na nitong 70 taong nakalipas, nararanasan ng Tsina ang nakayanig-sa-daigdig na pagbabago. Sa hinaharap, patuloy na mananangan ang Tsina sa ideya ng pagtutulungan at komong kasaganaan, para itatag, kasama ng iba't ibang bansa, ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Salin: Jade
Pulido: Mac