Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kompanyang Tsino't Amerikano, sabik sa pagbalik sa normal ng relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa

(GMT+08:00) 2019-09-12 12:15:58       CRI

Idinaos sa Beijing ang diyalogo ng mga bahay-kalakal na Tsino at Amerikano na may temang "Tsina, Amerika at Kabuhayang Pandaigdig" mula nitong Martes, Setyembre 10 hanggang Miyerkules, Setyembre 11. Sa preskon pagkatapos ng nasabing diyalogo, ipinahayag ng mga kinatawang Tsino't Amerikano na narating nila ang iba't ibang komong palagay hinggil sa mga isyu na gaya ng pagtutol sa pagdaragdag ng taripa. Ipinahayag din nila ang pag-asang babalik sa normal ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa lalong madaling panahon.

Sa preskon, sinabi ni Charles Freeman, Senior Vice President for Asia ng U.S. Chamber of Commerce, na iaabot niya ang nasabing pag-asa sa pamahalaang Amerikano, dahil ang kasalukuyang paglihis sa normal na landas ng ugnayang pangkalakalan ng Tsina't Amerika ay nakakapinsala sa kapuwa panig.

Inilahad naman ni Wei Jianguo, Pangalawang Direktor ng China Center for International Economic Exchanges (CCIEE) ang mga narating na komong palagay ng mga bahay-kalakal na Tsino't Amerikano sa katatapos na diyalogo. Aniya, una, kayang kayang magkakasamang tugunan ng mga mangangalakal na Tsino't Amerikano ang kahirapan at pagsubok na dulot ng digmaang pangkalakalan ng dalawang bansa. Ang pagdaragdag ng taripa ay hindi kalutasan sa alitang pangkalakalan. Ikalawa, ang Tsina ay hindi manipulador ng exchange rate. Ikatlo, di puwedeng maghiwalay o mag-decouple ang dalawang bansa, at sa halip, kinakailangan nila ang isa't isa. Ikaapat, kailangang likhain ang bagong larangang pangkooperasyon na gaya ng big data, artificial intelligence, malinis na enerhiya, at kalusugan at serbisyong medikal. Ikalima, kilalanin ang maidudulot na impluwensya ng relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa sa kabataang mangangalakal na Tsino at Amerikano, para makalikha ng mas mainam na kapaligiran para sa kanila at sa kinabukasan ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>