Ayon sa pinakahuling ulat na World Economic Outlook (WEO) na ipinalabas nitong Martes, Oktubre 15, ng International Monetary Fund (IMF), binaba sa 3% ang tinatayang paglaki ng kabuhayang pandaigdig para sa taong 2019. Ang nasabing pagtaya na mas mababa ng 0.2% kumpara sa ulat nitong nagdaang Hulyo, ang pinakamababang pagtaya ng IMF sapul noong 2008 financial crisis.
Kabilang dito, binago sa 3.9% at 1.7% ang tinatayang paglaki ng mga emerging market at umuunlad na kabuhayan, at mga maunlad na kabuhahayan, ayon sa pagkakasunod, na mas mababa kumpara sa 4.5% at 2.3% noong 2018. Umaabot naman sa 6.1% ang tinatayang paglaki ng kabuhayan ng Tsina para sa taong 2019.
Salin: Jade
Pulido: Mac