Inilabas Huwebes, Agosto 29, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang ulat hinggil sa tagumpay ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina. Ayon sa ulat, sapul noong 2006, nangunguna sa daigdig ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at nagsilbi itong unang makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Nitong nakalipas na 70 taon, malinaw na tumaas ang katayuan at impluwensiyang pandaigdig ng Tsina. Ipinakikita ng datos na mula 1961 hangang 1978, 1.1% ang karaniwang taunang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig; mula 1979 hanggang 2012, tumaas sa 15.9% ang datos na ito, na pumangalawa sa daigdig; at mula 2013 hanggang 2018 naman, tumaas ito sa 28.1% na nanguna sa daigdig.
Sa apsekto ng puwersang pangkabuhayan, noong 1978, nasa ika-11 puwesto sa daigdig ang GDP ng Tsina, at noong 2010, nalampasan ng Tsina ang GDP ng Hapon, at naging ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig hanggang ngayon. Ang proporsyon ng GDP ng Tsina sa kabuuang bolyum ng kabuhayang pandaigdig ay tumaas sa 15.9% noong 2018, mula 11.4% noong 2012.
Salin: Vera