Idinaos kahapon, Biyernes, ika-18 ng Oktubre 2019, sa Jakarta, Indonesya, ang seremonya ng pagbuo ng grupo ng pangangasiwa ng China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Cooperation Fund.
Sa seremonya, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na nitong 22 taong nakalipas sapul nang itatag noong 1997 ang China-ASEAN Cooperation Fund, nagbigay ito ng mga pondo sa mahigit 200 proyektong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, at makakatulong ito sa pagpapalawak ng dalawang panig ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang antas at larangan.
Ani Huang, noong isang taon, ipinatalastas ng Tsina na dagdagan ng pondo ang China-ASEAN Cooperation Fund. Sa kalagayang ito aniya, nabuo ang nabanggit na grupo, para palakasin ang siyentipiko at propesyonal na pangangasiwa ng pondo, at pasulungin ang pagpapatingkad nito ng mas malaking papel sa pagpapataas ng lebel ng kooperasyong Sino-ASEAN sa iba't ibang aspekto.
Salin: Liu Kai