|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Setyembre 10, 2019, idinaos sa Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta, ang simposyum tungkol sa Pag-unlad ng Tsina at Kinabukasan ng Komunidad ng Kapalarang Sino-ASEAN. Dumalo rito ang mahigit 300 panauhing Tsino at dayuhang kinabibilangan nina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa ASEAN, at Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Michael Tene ng ASEAN para magkaroon ng malalimang pagpapalitan hinggil sa pag-unlad ng Tsina at relasyong Sino-ASEAN.
Si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN
Sinabi ni Huang na palagiang iginagalang ng Tsina at mga bansang ASEAN ang isa't-isa at mapayapa silang nakikipamuhayan. Aniya, sa mga mahalagang isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan, nagsusuportahan ang dalawang panig para malutas ang kanilang alitan at pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Sa hinaharap, patuloy na magsisikap ang Tsina ang mga bansang ASEAN para magkakasamang mapangalagaan at mapasulong ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Sa ngalan ng ASEAN, mainit namang bumati sina Tene at Noel M. Novicio, Pirmihang Kinatawang Pilipino sa ASEAN, sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China at natamo nitong napakalaking tagumpay. Anila, sa mula't mula pa'y iginagalang at kinakatigan ng panig Tsino ang namumunong katayuan ng ASEAN at konstruksyon ng komunidad. Walang humpay na tumataas ang lebel ng estratehikong partnership ng dalawang panig, lumalakas ang kooperasyon, at lumalalim ang pagkakaibigang Sino-ASEAN, dagdag pa nila.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |