A policeman tries to extinguish a barricade on fire on a highway in Barcelona, Spain, October 18, 20
Nitong ilang araw na nakalipas, ginagaya ng rehiyong Catalonia ng Espanya ang marahas at ilegal na aksyong nagaganap sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Tungkol dito, nananatiling matahimik ang mga pamahalaan ng Britanya at Amerika na sumusuporta sa marahas na aksyon sa Hong Kong. Bukod dito, di tulad ng kanilang atityud na nagpupukaw sa mga radikal na protesdor sa Hong Kong, kinokondena ng ilang media ng kanluran ang nasabing mga marahas na elemento, at nanawagan din sila sa awtoridad ng Espanya na agarang isagawa ang katugong aksyon.
Ayon sa mga bansang Kanluranin, "pro-democracy activity" ang nangyayari sa Hong Kong, ngunit "marahas na kaguluhan" ang nagaganap na parehong pangyayari sa Espanya. Lantarang isinasagawa ng mga bansang kanluranin ang "double standard," bagay na nagbubunyag na ang kanilang itinataguyod na "demokrasya at kalayaan" ay isang kagamitan lamang para mapangalagaan ang kanilang sariling kapakanan. Lubos na inalis ng aksyong ito ang mapagkunwaring mukha ng mga bansang kanluranin sa panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong. Bunsod ng ginagamit na double standard ng mga bansang kanluranin sa paghikayat sa mga radikal at marahas na aksyon sa Hong Kong, sinisira rin nito ang kanilang sarili.
Salin: Lito