Pinasinayaan sa Beijing University nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2019 ang Ika-11 China-ASEAN Youth Camp at Ika-4 na China-ASEAN Youth Summit. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Wu Wei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng All-China Youth Federation, Yang Xiuping, dating Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Liew Chin Tong, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia, at mga kinatawan mula sa Tsina, ASEAN, at iba't-ibang bansa sa daigdig.
Si Wu Wei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng All-China Youth Federation
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wu Wei ang pag-asang magiging tagapagpatuloy ang mga kabataan ng iba't-ibang bansa sa pagkakaibigang Sino-ASEAN. Aniya, nakahanda ang All-China Youth Federation na magsikap upang ibayo pang mapalawak ang pragmatikong kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Lito