Binuksan Abril 14, 2019, sa Beijing ang Taon ng Pagpapalitan ng Kabataan ng Tsina at Hapon. Dumalo at nagtalumpati sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Taro Kono, Ministrong Panlabas ng Hapon.
Sinabi ni Wang na noong taong nakalipas, bumalik ang relasyon ng Tsina at Hapon sa tumpak na landas dahil sa pagsisikap ng mga lider at tauhan ng iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa. Aniya, ang pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga kabataan ay nagkakaroon ng positibo, malalim at mahabang impluwensiya sa pagpapalalim ng pag-unawaan sa isa't isa at pagkakaibigan ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Kono na isinasabalikat ng mga kabataan ang hinaharap ng relasyon ng Hapon at Tsina, at mahalagang mahalaga ang pag-unawaan at pagtitiwalaan sa matatag na kaunlaran ng relasyon ng Hapon at Tsina.
Salin:Lele