|
||||||||
|
||
Ipinalabas Oktubre 23, 2019, ng pamahalaang Tsino ang Regulasyon sa Optimisasyon ng Kapaligirang Pangnegosyo. Bilang tugon sa mga disbentahe ng kasalukuyang kapaligirang pangnegosyo ng Tsina, itinakda sa regulasyon ang mga panuntunan para pasulungin ang legalisasyon ng pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo.
Hinggil dito, ipinahayag ni Ning Jizhe, Pangalawang Puno ng National Development and Reform Commission ng Tsina, na sa ilalim ng bagong ideya ng pag-unlad, kinumpirma sa regulasyon ang mga kalutasan sa mga problema, para pasulungin ng iba't ibang lokal na pamahalaan ang pagpapalalim sa reporma at pagbabago ng punsyon.
Sinabi naman ni Zhang Yaobo, Opisyal ng Ministri ng Katarungan ng Tsina na napunan ng regulasyon ang kakulangan ng lehislasyon sa larangan ng pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo.
Ipinahayag ni Ning na gagamitin ng Tsina ang regulasyon bilang bagong pasimula at pagkakataon, para iatatag ang napakabuti ng kapaligirang pangnegosyong pandaigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |