|
||||||||
|
||
Lumagda kamakailan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa atas ng Konseho ng Estado na nagsasapubliko ng "Regulasyon ng Pagpapabuti ng Kapaligirang Pangnegosyo." Magkakabisa ang regulasyong ito mula unang araw ng Enero ng susunod na taon.
Lubos na pinahahalagahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ang pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo ng bansa. Nitong ilang taong nakalipas, ayon sa pagpupunyagi ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado, tuluyang isinusulong ng iba't-ibang lugar at departamento ang mga kaukulang reporma, at malinaw na bumuti ang kapaligirang pangnegosyo ng bansa.
Para patuloy na mapabuti ang kapaligirang ito, walang humpay na paluluwagin at pauunlarin ang panlipunang kakayahang produktibo, pabibilisin ang konstruksyon ng modernong sistemang pangkabuhayan, at pasusulungin ang de-kalidad na pag-unlad. Kaugnay nito, kailangang balangkasin at isagawa ang nasabing regulasyon upang magkaloob ng mas malakas na garantiya at suporta sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |