Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa kauna-unahang Porum sa Sustenableng Pag-unlad na idinaos Oktubre, 24, 2019 dito sa Beijing.
Tinukoy ni Xi na iginigiit ng Tsina ang kooperatibo, berde at bukas na ideya ng pag-unlad ng inobasyon at pagbabahagi, walang humpay na pinapasulong ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mataas na kalidad, at komprehensibong isinasakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN). Kasabay nito, aktibong pinapasulong ng Tsina ang South-South Cooperation at konstruksyon ng "The Belt and Road (BR), " na nagbigay ng positibong ambag para sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng buong mundo. Aniya pa, umaasa si Xi na patuloy na magsisikap ang iba't ibang panig para itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Ang porum ay magkakasamang itinaguyod ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, Pamahalaan ng Beijing, at kinauukulang organo ng UN.
Salin:Sarah