Sa kanilang pagtatagpo nitong Sabado, Oktubre 12, 2019 sa Chennai, India, binigyang-diin nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng India na palalakasin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, magkasamang haharapin ang mga hamong pandaigdig, at pangangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa.
Diin ni Xi, dapat buong tatag na pangalagaan ng Tsina at India ang sistemang pandaigdig na ang nukleo nito ay United Nations, at kaayusang pandaigdig na ang pundasyon naman ay pandaigdigang batas, pangalagaan ang multilateralismo at sistema ng multilateral na kalakalan na ang nasa sentro ay World Trade Organization (WTO), at igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanang pangkaunlaran ng mga umuunlad na bansa.
Saad naman ni Modi, nakahanda ang panig Indian na pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang pagdating ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon, at isagawa ang kooperasyon sa konektibidad.
Salin: Vera