Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Oktubre 25, 2019 kay Jair Messias Bolsonaro, dumadalaw na Pangulo ng Brazil, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 45 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, palagian nilang iginagalang ang isa't-isa at iginigiit ang may mutuwal na kapakinabangan at win-win result na naging modelo ng pagkakaisa at komong kaunlaran ng mga umuunlad na malalaking bansa.
Ipinagdiinan ni Xi na dapat hawakan ng dalawang bansa ang tumpak na direksyon upang mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Brazil. Nakahanda aniya ang Tsina na i-angkat ang mas maraming de-kalidad na produkto ng Brazil, at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng agrikultura, enerhiya, industriya ng mina, abiyasyon, at konstruksyon ng imprastruktura.
Idinagdag pa ni Xi na dapat magkasamang ipagtanggol ng dalawang basna ang multilateralismo, at tutulan ang proteksyonismo at unilateralismo para mapasulong ang balanse, inklusibo, at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Binigyan naman ni Bolsonaro ng kanyang lubos na papuri ang natamong malaking tagumpay ng pag-unlad ng Tsina. Sinabi niya na ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Brazil. Nakahanda aniya ang Brazil na magsikap kasama ng Tsina para mapalakas at mapalalim ang kanilang komprehensibo't estratehikong partnership. Buong tatag na igigiit ng Brazil ang patakarang "Isang Tsina," at magsisikap kasama ng Tsina para mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, dagdag pa niya.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglalagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.