|
||||||||
|
||
Nitong Linggo, Oktubre 27, ipinahayag ni Kim Yong-cho, Pangalawang Tagapangulo ng Korean Workers Party, na pikit-mata ang panig Amerikano sa pananawagan ng Hilagang Korea na isagawa ang bagong polisiya sa Hilagang Korea sa halip ng pagpapataw ng presyur.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 28, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang naninindigan ang panig Tsino na dapat lutasin ang isyu ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal, at walang anumang kuwenta ang pagpapataw ng presyur at sangsyon dito.
Ipinagdiinan ni Geng na sa kasalukuyan, nasa mahalagang panahon ang kasalukuyang situwasyon ng Korean Peninsula. Dapat aniyang magkakasamang pangalagaan ng iba't-ibang kaukulang panig ang mapayapang situwasyong di-madaling nakamtan para mapasulong ang paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |