Idinaos nitong Martes, Oktubre 29, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang news briefing para ipaalam ang mga kaukulang impormasyon tungkol sa pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE).
Isinalaysay ni Wang Bingnan, Direktor ng Tanggapan ng Lupong Tagapag-organisa ng CIIE at Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na idaraos sa Shanghai ang Ika-2 CIIC mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre. Bibigkas aniya si Xi ng pambungad na talumpati at dadalo sa seremonya ng pagbubukas. Aniya, pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas, bibisita rin si Xi, kasama ng mga lider ng iba't ibang bansa, sa mga pambansang pabilyon. Sa panahon ng eksibisyon, makikipagtagpo si Xi sa mga lider ng kaukulang bansa, dagdag ni Wang.
Ayon sa salaysay, hanggang sa kasalukuyan, lalahok sa gaganaping CIIE ang mga personahe ng sirkulo ng pulitika, komersyo, at akademiko mula sa mahigit 170 bansa't rehiyon, at mga kinatawan ng mga organisasyong pandagidig.
Salin: Vera