Kasiya-siyang ipininid nitong Lunes, Oktubre 28, 2019 sa Beijing ang 7-araw na Ika-11 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Youth Camp at Ika-4 na China-ASEAN Youth Summit.
Tinalakay at pinagtibay ng mga kabataang kinatawan mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN ang "Deklarasyon ng mga Kabataan ng Tsina at ASEAN," at iniharap ang kani-kanilang mungkahi tungkol sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa limang aspektong kinabibilangan ng seguridad na panrehiyon, kabuhaya't kalakalan, may-inobasyong siyensiya't teknolohiya, kapaligiran at yaman, at mga suliranin ng mga kabataan.
Sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre, na ang nasabing aktibidad ay nakapagkaloob ng pagkakataon at plataporma para sa malalimang pagtalakay ng mga iskolar sa kooperasyon ng kapuwa panig. Umaasa aniya siyang magkakapit-bisig na lilikhain ng iba't ibang panig ang mas malawak na kooperasyon, patataasin ang pagpapalitan ng mga kabataan sa bagong antas, at gagawin ang ambag para sa pagtatatag ng community with a shared future ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera