|
||||||||
|
||
Vientiane — Idinaos nitong Biyernes, Oktubre 25, 2019 ang Ika-14 na China-ASEAN Telecommunications & IT Ministers Meeting, ginanap sa Vientiane. Magkasamang pinanguluhan ang pulong nina Miao Yu, Ministro ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, at Thansamay Kommasith, Ministro ng Koreo at Telekomunikasyon ng Laos at Tagapangulo ng ASEAN Telecommunications Ministers Meeting (TELMIN).
Ipinahayag ni Miao ang kahandaan ng Tsina na batay sa diwa ng pag-uunawaan at paggagalangan sa isa't-isa, magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para makalikha ng bukas, pantay, at inklusibong kapaligiran ng digital market sa pamamagitan ng pantay na pagsasangguniang Sino-ASEAN. Aniya, ang susunod na taon ay taon ng kooperasyong Sino-ASEAN sa ditigal economy, at idaraos ng dalawang panig ang serye ng aktibidad para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong mapanlikhang kooperasyon ng dalawang panig sa pamamagitan ng digital economy cooperation.
Tungkol sa pagpapalakas ng China-ASEAN digital economy cooperation, iniharap ni Miao ang tatlong mungkahi: una, dapat palakasin ang pag-uugnayang Sino-ASEAN sa digital economy policy; ikalawa, dapat palalimin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan ng digital economy; ikatlo, dapat pasulungin ang koneksyon ng mga pamahalaan, industriya, paaralan, at organo ng pananaliksik ng dalawang panig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |