Mula ika-2 hanggang ika-3 ng Nobyembre, ginanap sa Lalawigang Nonthaburi ng Thailand ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business and Investment Summit 2019. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas at pangunahing porum ang mga lider ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan nina Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand, Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia, State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, mga namumukod na mangangalakal, at mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ng ASEAN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Prayut Chan-o-cha na ang kasalukuyang summit ay naglalayong patnubayan ang direksyon ng kooperasyon ng mga bansang ASEAN, at pasulungin ang pagbabago ng mga bansang ASEAN ng modelo ng kabuhayan at lumang ideya sa kalakalan at pamumuhunan, para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan. Umaasa aniya siyang kasabay ng pagbabago ng daigdig at hakbang ng inobasyon, maisasakatuparan ng mga bansang ASEAN ang komong kasaganaan at progreso.
Salin: Vera